WATCH: Pulis na kababalik pa lamang mula Marawi, sinurpresa ng marriage proposal ang girlfriend

Naghudyat sa pagsisimula nang mas malalim na pag-iibigan ang pagtatapos ng giyera sa Marawi.

Ito ay matapos ang nakakakilig na surprise marriage proposal ng isang pulis sa kanyang girlfriend nang makabalik mula sa limang buwan ng pakikipagbakbakan.

Nakilala ang pulis na nagpropose na si PO1 Alexis Tagapulot at ang kanyang fiancé na si Angely Lowao.

Naghiyawan at kilig na kilig ang mga saksi nang tanungin na ng pulis ang girlfriend at sumagot ito ng ”yes”.

Kabilang si Tagapulot sa 107 pulis ng Regional Public Safety Batallion (RPSB)- Northern Mindanao na nakauwi na kahapon matapos ideploy noong May 24.

Si Tagapulot at ang mga kasamang pulis ay ginawaran ng “Medalya ng Kagitingan” at sasailalim din sa dalawang araw na stress debriefing.

Read more...