Sandaling “lockdown,” ipatutupad sa NLEX para sa pagdating ng mga world leaders

By Kabie Aenlle October 27, 2017 - 03:40 AM

Inquirer File Photo

Isasailalim sa “temporary lockdown” ang southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) mula sa Clark, Pampanga patungong Metro Manila para bigyang daan ang mga lider ng iba’t ibang bansa na dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit ngayong Nobyembre.

Sa Clark International Airport kasi dadating ang 21 na world leaders para sa ASEAN summit, at bibiyahe naman patungong Metro Manila para sa kanilang mga kani-kaniyang hotel.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Oscar Albayalde, ipapatupad lang ang temporary lockdown kapag dadaan ang world leaders.

Pagkatapos aniya ng ilang minuto kapag nakalampas na sila sa NLEX ay bubuksan agad ang daanan.

Gayundin ang ipatutupad na seguridad para sa mga world leaders sa north bound naman ng NLEX para sa kanilang pag-alis sa bansa pagkatapos ng ASEAN summit sa November 14.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo ay sina United States President Donald Trump, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Inaasahan ding dadalo sa pagtitipon si United Nations Secretary-General Antonio Guterres.

Magsisimula ang pagdating ng mga world leaders mula November 10 hanggang 12,

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.