3 heavy equipment, sinunog sa Leyte

By Kabie Aenlle October 27, 2017 - 03:30 AM

Sinunog ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang tatlong heavy equipment na nakaparada sa national highway sa Barangay Tangnan, sa bayan ng Carigara, Leyte.

Ayon sa hepe ng Carigara police na si Chief Insp. Eriprando Castila, pag-aari ng isang Edgar Chu ng BM Construction sa Tacloban City ang mga asphalt paver, road roller at pneumatic roller na nasunog.

Ayon naman sa imbestigador na si PO2 Federico Canudam nakaparada lamang ang mga heavy equipment sa shoulder ng highway sa Tangnan na malapit din sa barracks ng BM Construction.

Habang natutulog ang mga construction workers dakong madaling araw ng Huwebes, ilang mga hindi nakilalang tao ang tumupok sa mga ito.

Base sa kwento ng security officer ng kumpanya, tatlong hindi nakilalang mga kalalakihan ang namataang sumakay sa isang motorsiklo matapos sunugin ang isa sa mga heavy equipment.

Kumalat lamang aniya ang apoy kaya nadamay ang dalawang iba pang equipment na ginagamit para sa proyekto ng nasabing munisipalidad.

Mapalad namang walang nasaktan sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.