Ret. Gen. Año, balak ilagay ni Pangulong Duterte sa Gabinete

(Photo by Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau)

Posibleng maging special assistant to the President o maging undersecretary si retired general Eduardo Año.

Ipinahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) change of command sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Duterte, itatatalaga niya pa ring kalihim ng Department of Interior and Local Government si Año, ngunit mangyayari lamang ito makalipas ang isang taon ng kanyang pagreretiro ngayong araw.

Sinabi ni Duterte na makakasama ni DILG officer-in-charge Undersecretary Catalino Cuy si Año sa pangangasiwa sa Philippine National Police.

Sa ilalim ng Section 8 ng Republic Act No. 6975, pinagbabawalan ang sinumang retiradong pulis o opisyal ng militar na maitalaga bilang kalihim ng naturang kagawaran sa loob ng isang taon mula ng kanyang pagreretiro o pagbitiw sa pwesto.

Samantala, si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero ang itinalagang bagong AFP chief of staff.

Read more...