Pondo sa Oplan Tokhang ng PNP hiniling na ilipat sa PDEA

Photo; PDEA/Wilkins Villanueva

Hinikayat ni House Committee on Dangerous Drugs Robert Ace Barbers si House Committee on Appropriations Karlo Alexie Nograles na ilipat sa PDEA ang P900 Million pondo ng PNP para sa Oplan Double Barrel sa taong 2018.

Ayon kay Barbers, ito ay kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Duterte na ang PDEA na lamang ang solong law enforcement agency na magpapatupad ng war on drugs ng gobyerno.

Base sa liham ni Barbers kay Nograles, hiniling nito na ibigay sa PDEA ang P900 Million na budget na nakalaan sana sa PNP upang magamit ng PDEA sa kanilang mga operasyon.

Sinabi ng mambabatas na dismayado siya para sa taunang gugulin ng PDEA sa susunod na taon dahil sa P1.4 Billion o .01 percent lamang ng budget ng buong bansa sa 2018.

Paliwanag n Barbers, bilang na-iisang ahensya ng pamahalaan na lalaban sa top priority ng administrasyon dapat mabigyan ang PDEA ng mga kinakailangang mga kagamitan at training na kanilang magagamit sa giyera kontra droga.

Kapag anya nabigyan ng sapat na budget ang nasabing ahensya tiyak na sa lalong madaling panahon ay mapupuksa ang operasyon ng droga sa bansa.

Read more...