UST Law Dean Nilo Divina pumalag sa inilabas na lookout bulletin ng DOJ

By Rohanissa Abbas October 26, 2017 - 06:07 PM

Radyo Inquirer

Hindi na nagulat si University of Santo Tomas Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na isinama siya sa lookout bulletin order ng Bureau of Immigration kaugnay ng kaso ng law student na si Horacio Castillo III.

Ipinahayag ni Divina ang pagkadismaya niya sa desisyon.

Dumepensa naman si Divina at sinabing malinaw na wala siyang dapat panagutan sa pagkasawi ni Castillo dahil lingid sa kanyang kaalaman ang umano’y hazing sa biktima.

Aniya, wala rin siyang kinalaman sa planong pagtakpan ang insidente.

Gayunman, nangako naman si Divina na tatalima sa anumang kautusan ng Department of Justice.

Ngayong Huwebes, inatasan ng DOJ ang Bureau of Immigration na isama sa lookout bulletin si Divina kasama ang 50 persons of interest kaugnay sa naganap na hazing na ikinamatay ni Castillo.

TAGS: DOJ, lookout bulletin, Nilo Divina, UST, DOJ, lookout bulletin, Nilo Divina, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.