Pulitika iiwan na ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte

By Chona Yu October 26, 2017 - 04:33 PM

Radyo Inquirer

Magreretiro na sa mundo ng pulitika si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa 2019.

Nagpasya si Duterte na tapusin na lamang ang kanyang karera sa pulitika matapos makitang umiiyak ang kanyang anak na babae na si Sabina at ang kanyang asawa dahil sa naging akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na miyembro siya ng drug syndicate.

Nais ng batang Duterte na tutukan na lamang ang kanyang pamilya at ang kanyang maliit na farm sa Davao City.

Kasabay nito, inindorso naman ni Duterte ang kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio na kwalipikadong mamuno sa Davao City at makatandem ang kanyang nakababatang kapatid na si Sebastian o Baste.

Una rito, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala siyang balak na tumakbong senador sa 2019 at sa halip balak na lamang nitong tumakbo bilang kinatawan ng 1st District ng Davao City sa Kamara.

TAGS: baste, Carpio, Davao City, paolo duterte, sara, trillanes, baste, Carpio, Davao City, paolo duterte, sara, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.