Lacson: Pagkakataon na maging state witness sinayang ni John Paul Solano

By Ruel Perez October 26, 2017 - 03:59 PM

Radyo Inquirer

Nanghihinayang si Sen. Ping Lacson sa pagkakataon na sinayang ng hazing suspect na si John Paul Solano sa kaso ng pagpatay sa UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order, si Solano sana ang isa sa mga credible witness sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.

Pero hindi na aniya ito mangyayari matapos ang tell-all-tale ng lumutang na testigong si Marc Anthony Ventura.

Nanghihinayang si Lacson dahil nabigyan na si Solano ng pagkakataon na sabihin ang totoo dahil siya ang tingin nito na least guilty sa kaso pero pinagtakpan lamang nito ang mga kasamahan sa Aegis Juris Fraternity.

TAGS: aegis juris fraternity, castillo, hazing, lacson, solano, UST, ventura, aegis juris fraternity, castillo, hazing, lacson, solano, UST, ventura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.