Iloilo City Mayor Jed Mabilog sinibak ng Ombudsman

By Chona Yu October 26, 2017 - 03:45 PM

Inquirer file photo

Sinibak na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ito ay matapos mapatunayan na guilty sa serious dishonesty si Mabilog dahil sa unlawful acquisition of wealth.

Nabatid na si dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada ang naghain ng kaso laban kay Mabilog.

Si Mabilog ay isa sa mga local officials na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga.

Kahapon lamang, nagbanta ang pangulo na isusunod niya si Mabilog kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog  na kapwa napatay sa ikinasang anti-drug operation.

Tinawag rin ng pangulo na “most shabulized city” ang lungsod ng Iloilo.

Kasalukuyang nasa Canada si Mabilog at ang kanyang pamilya makaraan itong mag-file ng leave of absence kamakailan.

 

 

 

TAGS: duterte, iloilo city, jed mabilog, ombudsman, duterte, iloilo city, jed mabilog, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.