Siyam na nanakit kay Atio Castillo, kinilala na

By Jan Escosio October 26, 2017 - 02:03 PM

Naisapubliko na ang pangalan ng siyam na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing kabilang sa mga nagpahirap kay Horacio “Atio” Castillo III noong Setyembre 17.

Ito ay base sa anim na pahinang affidavit ni Marc Ventura, kung saan idinetalye niya ang hirap na dinanas ni Atio sa final rites ng kanilang fraternity sa Aegis Juris library.

Magugunita na kabilang si Ventura sa mga kinasuhan ng Manila Police District ngunit bumaligtad ito at nasa pangangalaga na ng Witness Protection Program ng Department of Justice.

Ang siyam ay ang mga sumusunod:

1. Edric Pilapil
2. Zach Abulencia
3. Daniel Ragos
4. Dave Felix
5. Sam Cagalingan
6. Alex Cairo
7. Luis Kapulong
8. Kim Cyrill Roque
9. Ged Villanueva

Mayroon naman isang babae na kasama ni Alex Bose na hindi miyembro ng Aegis Juris ang nakasaksi din sa hazing rites kay Atio.

Ang mga nasabing indibidwal ay hindi pa kasama sa mga nasampahan ng reklamo sa DOJ kaugnay ng pagkamatay ni Castillo.

Sa kabuuan, 23 indibidwal ang pinangalanan ni Ventura na naroon sa initiation rites, at maliban sa siyam na mga pangalan na nabanggit na, kasama rin sa mga present sa final rites sina:

1. Arvin Balag
2. Ralph Trangia
3. Oliver John Audrey Onofre
4. Mhin Wei Chan
5. Daniel Hans Matthew Rodrigo
6. Karl Matthew Villanueva
7. Joshua Joriel Macabali
8. Axel Munro Hipe
9. Marcelino Bagtang
10. Zimon Padro
11. Jose Miguel Salamat
12. Leo Lalusis
13. Alex Bose
14. Robin Ramos

Ang mga nanuntok umano naman sa braso ni Atio ay sina:

1. Zach Abulencia
2. Daniel Ragos
3. Sam Cagalingan
4. Alex Cairo
5. Luis Kapulong
6. Edric Pilapil

Ang iba pang nanuntok sa mga braso ni Atio ay hindi na maalala ni Ventura dahil patay ang ilaw.

TAGS: Castillo hazing, Castillo hazing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.