‘Alternative truth’ sa Mamasapano incident, pinalutang para pabanguhin ang imahe ni Pangulong Aquino-Aguirre

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2015 - 11:18 AM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Sinadya ni Pangulong Benigno Aquino III na palabnawin ang katotohanan sa naganap na Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force (SAF).

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni Atty. Vitaliano Aguirre, abugado ni retired SAF Chief Gen. Getulio Napeñas.

Ayon kay Aguirre, maliban sa may naghahabol sa $5 million na ‘reward money’ sa pagkakapatay kay Zulkifli Bin Hir alyas Marwan, ang mas nakikita umano niyang motibo ng Pangulong Aquino ay ang mapabango ang imahe ng Gobyerno at maipasa ang Bagsamoro Basic Law (BBL).

Nagtataka si Aguirre kung bakit ngayon lamang pinalutang ng pangulo ang sinasabi niyang ‘alternative truth’ sa Mamasapano encounter, gayung nakapaglabas na ng resulta ng imbestigasyon ang Board of Inquiry na nagsiyasat sa pangyayari.

Sinabi ni Aguirre, na dahil naapektuhan ng labis ang rating ng pangulong Aquino dahil sa sinapit ng SAF 44, gumagawa siya ngayon ng paraan para makapagpabango at matiyak na maganda naman ang iiwan niyang legacy sa nalalapit na pagtatapos ng termino.

“Bakit ngayon lang after 7months? Anong motive nila? Pabanguhin ang image ng Gobyerno at ng MILF at ipasa ang BBL. Ang sa ‘kin secondary na lang ang reward money, ang mas importante sa Pangulo ay ang pagpasa ng BBL at ang legacy na iiwan niya kung naalala niya sumadsad rating niya dahil sa Mamasapano Incident,” ayon kay Aguirre.

Dagdag pa ni Aguirre, hindi tamang magsalita pa ng ganoon ang Pangulong Aquino dahil nagkaroon naman na ng imbestigasyon. Dapat din aniyang naisip ni PNoy na ang kaniyang sinabi ay makasisira sa karangalan at kabayanihan ng mga SAF.

Sinabi ni Aguirre, na masamang-masama ang loob ni Napeñas sa naging pahayag ng pangulo. Pakiramdam umano ni Napeñas, niyurakan ang kabayanihan ng mga nasawing SAF members.

“Anong sinasabi niyang alternative truth? Illogical iyan eh, because there is only one truth, at kung may iba pa, hindi ‘alternative truth’ ang tawag doon kundi ‘lie’. Para maging kinder ang history sa kaniya (PNoy), gusto niyang palabnawin ang katotohanan,” dagdag pa ni Aguirre.

Tanong ni Aguirre na kung si Marwan ay patay nang ibinigay sa mga tauhan ng SAF, ‘bakit kinailangan pang magbuwis ng buhay ng 44 nas tauhan nito’?

Hindi na aniya dapat nagkaroon ng madugong bakbakan kung may kasunduan na sa pagitan ng mga SAF at kanilang mga kalaban.

TAGS: AlternativeTruthOnMamasapanoEncounter, SAF44, AlternativeTruthOnMamasapanoEncounter, SAF44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.