Regional offices ng LTFRB, nagsagawa ng anti-colorum operations

PHOTO FROM LTFRB

Mga colorum na bus at UV express ang tinarget ng mga regional offices ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa kanilang isinagawang anti-colorum operations sa kani-kanilang mga nasasakupang rehiyon.

Nahuli ang isang UV express habang bumabiyahe sa San Juanico Bridge, habang terminal naman mismo ng mga pampasaherong van ang sinalakay ng LTFRB sa Dipolog City.

Hindi rin nakaligtas ang mga colorum na bus, partikular na ang isang unit ng Pamar bus na nahuli naman sa Barangay Turbina sa Calamba, Laguna.

Sa Region 5 office naman ng LTFRB, hinuli at kasalukuyang naka-impound ang isang unit ng Billy Boy Transport bus na biyaheng Pasay papuntang Tacloban.

Mayroon itong sakay na tatlumpu’t siyam na katao.

Naka-impound din ang isa pang unit ng Billy Boy Transport na biyaheng Cubao papuntang Davao.

Labing anim na mga pasahero ang napilitang bumaba at humanap ng lilipatang bus matapos hulihin ng mga otoridad ang kanilang sinasakyan.

Read more...