2 babae, arestado sa anti-drug operation sa Agusan del Sur
Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babae na hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga sa isang bayan sa Agusan del Sur.
Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino, nahuli ng mga tauhan ng PDEA Region 8 ang mga suspek na kinilalang sina Gracelyn Tabulo, 20 years old, at Flora May Matabalan, 23 years old sa isang buy bust operation sa Barangay 5, San Francisco bandang 7:20 ng gabi.
Nakumpiska sa operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000.
Bukod dito, narekober din ang buy bust money na ginamit sa transaksyon.
Ayon sa PDEA Region 8 Laboratory Office, positibo sa shabu si Tabulo habang negatibo naman si Matabalan.
Ngayon ay nahaharap ang dalawang suspek sa kasong may paglabag sa Section 5 (selling of illegal drugs), Section 26 (conspiracy to sell), Section 15 (illegal drugs use) at Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.