Funeral mass para kay Cardinal Vidal, isinagawa sa Cebu City
Tinatayang aabot sa sampung libo katao ang dumalo sa funeral mass para sa namayapang si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa Cebu City ngayong umaga.
Si Cebu Archbishop Jose Palma ang nanguna sa misa habang nag-concelebrate naman si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, at may limandaang mga pari at obispo.
Pagkatapos ng misa, ilalagay ang mga labi ni Cardinal Vidal sa isang century old na carroza para sa funeral procession sa palibot ng simbahan bago ihatid sa huling hantungan sa Cathedral Mausoleum.
Limang araw naman na isasara sa publiko ang Cathedral Mausoleum simula ngayong araw.
Nag alok din ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan para sa mga nais na makiisa sa funeral mass.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.