Visayas at Bicol region, uulanin dahil sa Bagyong Quedan

Makararanas ng mga pag-ulan at thunderstorms ang ilang bahagi ng Visayas at Bicol region, maging ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ito ay bunsod ng bagyong Quedan na huling namataan ng PAGASA sa layong 1,250 kilometers east ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 95 kilometers per hour.
Gumagalaw ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 21 kph.

Samantala, isang Intertropical Convergence Zone naman ang nakakaapekto sa Palawan at Mindanao kung saan magdudulot ito ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains.

Read more...