5 patay, 9 sugatan sa banggaan ng truck at jeepney sa Tarlac
Lima ang patay samantalang siyam ang sugatan sa banggaan ng isang delivery truck at jeepney sa boundary ng Capas at Tarlac City, Martes ng gabi.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang ulo ang mga sakay ng jeep na nakilalang sina Bernardo Miclat, Adrian Pabustan, Juvylyn Cariaga at Jennifer Vinluan, pawang mga empleyado ng International Wiring System Corp.
Samantala, patay rin ang pahinante ng truck na si Ponciano Quebec sanhi ng banggaan.
Nadala naman sa pagamutan ang siyam pang biktima ng insidente kabilang na ang driver ng truck na si Camlon Mangila na nasa serysosong kondisyon sa kasalukuyan.
Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng truck na puno ng karne na minamaneho ni Mangila ang southbound na direksyon ng Manila North Road nang mahagip nito ang jeepney lulan ang mga papauwi nang mga biktima.
Dahil sa lakas ng banggaan, apat sa mga biktima ang agad na nasawi sa pinangyarihan ng aksidente samantalang sa ospital na binawian ng buhay ang ikalimang biktimang si Vinluan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.