Tax Court, ibinasura ang P2.9B kaso ng BIR laban kay Erap

By Rhommel Balasbas October 26, 2017 - 02:31 AM

 

Ibinasura ng Court of Tax Appeals en banc ang kasong inihain ng Bureau of Internal Revenue laban kay dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Erap Estrada at may bahay nitong si Loi.

Ito ay kaugnay ng umano’y 2.9 bilyong pisong tax deficiency ng mag-asawa.

Inaakusahan ng BIR na hindi nagbayad ng buwis si Erap at Loi sa ‘di umano’y kanilang combo account sa noon ay Equitable PCI Bank.

Ang account ay nakilalang kay Jaime Dichavez ngunit iginiit ng gobyerno na ito ay dummy account ng dating pangulo.

Sa isang 21 pahinang desisyon, pinagtibay ng CTA ang una ng desisyon ng Second Division ng korte noong November 2015.

Ayon sa CTA. Bigo ang BIR na patunayan ang tax assessment laban sa mag-asawa dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Iginiit ng CTA en banc na nalabag ng BIR ang “right to due process” ng mga Estrada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.