Apat na piso lang ang itataas sa upa sa mga palengke sa Maynila

11996928_901461329920426_832153711_n
Kuha ni Ruel Perez

Nagtataka si Manila Vice Mayor Isko Moreno kung bakit ganoon na lamang ang pag-protesta ng mga market vendors sa ipatutupad na pag-develop sa mga palengke sa Maynila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Moreno na sa kasalukuyang P40 kada raw na ibinabayad ng mga vendors na upa sa kanilang mga pwesto ay apat na piso lamang ang madaragdag matapos ang gagawing pag-develop sa mga palengke.

Katunayan mananatili aniya sa P40 ang araw-araw na bayarin ng mga vendors sa loob ng dalawang taon, at sa ikatlong taon pa magsisimula ang paniningil ng dagdag na P4. “Totoo pong magtataas ng singilin, pero sa loob ng dalawang taon, P40 pa rin po ang babayaran nila, pagdating ng 3years ay 10% lang ang idaragdag magiging P44,” ayon kay Moreno.

Hinala ng lokal na pamahalaan ng Maynila, may pulitikong nag-uudyok sa mga vendors para magprotesta gayung wala namang dapat na ikagalit ang mga ito.
Katunayan, sinabi ni Moreno na nagpatawag sila ng mga public hearing, pero nasulsulan ang mga vendors na huwag dumalo.

Mayroon pa aniyang isang pagkakataon na may isang tao na nagpanggap na presidente ng asosasyon ng mga market vendors at dumalo sa public consultation na gianwa ng manila city government.
Natuklasan aniya ng lokal na pamahalaan na ang nasbaing nagpapanggap na association president ay wala man lamang pwesto sa palengke at hindi rin residente ng lungsod.
Hinala ni Moreno, si dating Manila Mayor Lito Atienza ang nasa likod ng panunulsol sa mga tinder at tindera.

“Ang iba po kasi sa kanila, naudyukan ng mga pulitiko, napatunayan naming pinupulitka ito, sana huwag tayong magpadala sa panunulsol ng mga ‘bulaklakin’ diyan,” dagdag pa ni Moreno.

Iginiit ni Moreno na ang pagsaayos sa mga palengke ay para kapakanan hindi lamang ng mga nagtitinda kundi maging ng mga mamimili.

Read more...