5-day processing ng mga dokumento sa BOC ipatutupad

By Rohanisa Abbas October 26, 2017 - 12:04 AM

 

Pinabilis ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagproseso ng mga dokumento sa Bureau of Customs.

Batay sa Memorandum Order 24-2017 na nilagdaan ni Lapeña, kinakailangang matugunan ang mga liham, requests at permits sa loob ng limang araw, mula nang matanggap ang mga ito.

Ayon kay Lapeña, dahil sa mga pagkakantala, nauuwi sa panunuhol ang importers dahil naghahanap ang mga ito ng mga tao na maaaring mag-asikaso ng kanilang kargamento at dokumento.

Inatasan din ng commissioner ang Account Management Office na gawing mas organisado at mabilis ang accreditation ng importers, exports at brokers. Sinabi ni Lapeña na umaabot kasi nang isa hanggang dalawang buwan ang pagre-release ng mga dokumento.

Inimbitahan naman ni Lapeña ang mga aplikante na dumulog sa kanyang opisina kapag hindi naibigay ang kanilang permits sa loob ng limang araw.

Layunin ng hakbang na ito na sugpuin ang katiwalian sa Bureau of Customs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.