SAF Commandos na nakibakbakan sa Marawi City tumanggap ng promosyon

By Jan Escosio, Rod Lagusad October 25, 2017 - 08:52 PM

Photo: Jan Escosio

Ginawaran ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ng medalya ang nasa 182 miyembro ng pambansang pulisya.

Ayon kay Dela Rosa lahat ng 496 SAF Commandos na idineploy sa Marawi City ay napromote ng isang ranggo maliban sa mga opisyal na may ranggong Superintendent pataas.

Una dito, nagmartsa ang mga SAF Commandos mula sa SM Bicutan patungo sa SAF Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Isinigaw ng mga napadaan at ng mga estudyante ang katagang “Lodi! Lodi!” habang ang mga ito ay nagmamartsa.

Nabanaag sa mga SAF Commandos ang labis na kasabikan sa pagkain nang handugan at saluhan sila ni Dela Rosa sa isang boodle fight.

Pinagsaluhan nila ang adobong baboy at manok, sardinas, pritong galunggong, pansit at sawsawan na bagoong na may nakababad na kamatis at sibuyas.

TAGS: dela rosa, marawi, Maute, PNP, promosyon, SAF, dela rosa, marawi, Maute, PNP, promosyon, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.