Publiko kinalma ng DFA sa hindi pagtanggap ng pamahalaan ng foreign aid
Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi dapat mabahala ang publiko sakaling tumanggi ang gobyerno ng anumang tulong o donasyon mula sa ibang bansa.
Paliwanag ng kalihim, maaaring may nakapataw na kondisyon na direktang makakaapekto sa mga Pilipino sa pamamagitan ng non-government organizations.
Kung makakaapekto aniya ito sa soberanya ng bansa, hindi ito tatanggapin ng pamahalaan.
Dagdag pa nito, hindi dapat masaktan ang mga mamamayan lalo na sa iniaalok na foreign aid kung ito naman ay mas kapalit.
Aniya pa, dapat ang tanungin ngayon ang European Union kung handa pa ring tumulong nang walang kondisyon o kung meron man, handa pa rin ba silang magbigay ng foreign aid sa pamamagitan ng international organizations.
Paglilinaw ni Cayetano, ang naturang polisiya na hindi pagtanggap ng foreign aid ay epektibo hindi lang sa EU kundi sa lahat ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.