Maraming Pinoy hindi kuntento sa kanilang ‘work situation’ ayon sa survey ng JobStreet
Bumagsak ang job satisfaction sa mga Filipino workers ngayong taong 2017 ayon sa survey na isinagawa ng JobStreet.com.
Sa nasabing survey lumitaw na ang pagbagsak ng job satisfaction ng mga Pinoy ay dahil sa kakulangan ng career development at training opportunities sa mga kumpanya.
Lumitaw sa survey na bumaba ang Philippine Job Happiness Index sa 4.97 ngayong taon kumpara 5.25 na naitala noong 2016.
Isinagawa ang survey ng JobStreet mila July 31 hanggang August 31, 2017.
Kung ikukumpara sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia, mas mababa ang nakuhang Job Happiness Index ng Pilipinas kumpara sa Indonesia na mayroong 5.27 at Vietnam na mayroong 5.19.
Nasa ibaba naman ng Pilipinas ang Malaysia na nakakuha ng 4.65, Thailand – 4.55, Hong Kong – 4.45 at Singapore – 4.31.
Ayon sa kay JobStreet Country manager Philip Gioca, maraming Pinoy ang nag-aasam ng career development.
Nais umano nilang mag- move forward sa kanilang napiling career pero walang offer at training opportunities sa kanilang mga kumpanya.
Nang tanungin ang mga respondent kung ano ang makapagpapasaya sa kanila sa susunod na anim na buwan, 33 percent ang nagsabi na dagdag-sweldo at 23 percent ang nagsabi na nais nilang mag-resign at mag-apply ng bagong trabaho.
Ang mga masaya naman sa kanilang kasalukuyang trabaho ay sinabing ang mga kasamahan, work location at company reputation ang dahilan ng kanilang pagiging kuntento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.