Supermarket sa loob ng Victory Central Mall sa Caloocan, nasunog

Kuha ni Jun Corona

Tinupok ng apoy ang bahagi ng supermarket sa loob ng isang shopping center sa Monumento, Caloocan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa stockroom ng Robinsons Supermarket sa Victory Central Mall alas 7:30 ng umaga.

Bagaman umabot lang sa 1st alarm ay napakakapal ng usok na nagmumula sa loob.

Dahil dito, ipinatupad ang temporary closure sa mall.

Wala namang nasugatan sa nasabing sunog.

Ayon kay CAMANAVA District Fire Marshal Fire Supt. Crispo Diaz, kahapon pa ay may usok na umanong nakita sa nasabing stockroom pero mistulang binalewala ito ng mga staff.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagkaroon ng insidente ng sunog sa Victory Central Mall. Una ay noong May 2012 at ikalawa ay noong May 2015.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...