Pagtatalaga ng bagong peace special ng Norway sa Pilipinas, welcome sa Malakanyang
Welcome sa Malakanyang ang pagkakatalaga ng Norway kay Su Idun Tvedt bilang bagong peace Special envoy.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaki ang maitutulong ng bagong envoy dahil sa kanyang malawak na karanasan at kaalaman sa pagiging tulay sa peace process na isinusulong ng gobyerno ng Pilipinas sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front.
Dadag ni Abella, umaasa ang palasyo na makatrabaho si Tvedt sa patuloy na paghahangad na matuldukan na ang pakikibaka ng makakaliwang grupo sa Pilipinas.
Una rito, inanunsyo ng Norwegian Government na si Tvedt na ang special envoy kapalit ni Elisabeth Slattum dahil sa natapos na ang kanyang tatlong taong termino.
Itinalaga si Tvedt bilang special envoiy kahit nakabitin pa ang peace process ngayon sa pagitan ng Pilipinas at
nakatakdang dumating sa bansa si Tvedt sa susunod na linggo.
Si Tvedt ay isang abogado at nagsilbi bilang Norwegian Ministry of Foreign Affairs partikular sa larangan ng karapatang pantao at kapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.