WATCH: Barker, patay matapos barilin ng riding in tandem sa Port Area, Manila

By Mark Gene Makalalad October 25, 2017 - 12:25 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Binaril habang natutulog ang isang barker sa bonifacio drive Corner 16 St. Brgy. 651, Zone 68 Port Area, Manila.

Ayon kay Eleterio Yaguil, kagawad ng barangay, nakatanggap na lamang sila ng tawag pasado alas-11:45 ng gabi na may lalaking pinatay habang nakahiga sa kanyang kariton.

Katabi pa ng biktima ang asawa nito nang biglang paputukan ng lalaki na nakasakay sa motorsiklo, habang nagsilbi namang look out ang isa nitong kasamahan.

Tama sa ulo ang kinamatay ng biktima na nakilalang si Sonny Boy Lapore taga Tanza, Cavite.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, Barker, metro news, Tondo Manila, ambush incident, Barker, metro news, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.