WATCH: Collector ng butaw ng mga pulis, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Mark Gene Makalalad October 25, 2017 - 12:13 PM

Kitang-kita sa kuha ng CCTV na ang pamamaril ng isang lalaki sa Juan Luna St, Brgy 61 zone 5 district 1 sa Tondo Maynila.

Mula sa isang gasolinahan, bigla na lamang tumawid ang isang lalaki na naka itim na sweatshirt at brown na shorts sa katapat na bahay, dumukot ng baril at nagpaputok ng 3 beses.

Sapul sa ulo ang biktima na nakakauwi lamang galing trabaho at nagpapahinga sa motor nito na kinilala na si Rolando Austria, 24 na taong gulang.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Leonard Austria, bagaman napapaaway kapag nakakainom ng alak, mabuting tao naman daw ang kanyang kapatid. Hindi rin daw ito gumagamit ng iligal na droga.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, metro news, Tondo Manila, ambush incident, metro news, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.