Jack Ma, ginawaran ng honorary doctorate degree ng DLSU

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2017 - 12:02 PM

AP File Photo

Pinagkalooban ng honorary doctorate degree ng De La Salle University (DLSU) ang founder at executive chairman ng e-commerce giant na Alibaba.

Ang University board and administration ng DLSU ang nagbigay ng honorary degree na “Doctor of Science in Technopreneurship, Honoris Causa” kay Jack Ma.

Ang Chinese billionaire tycoon ay nasa Pilipinas sa imbitasyon ng DLSU para personal na tanggapin ang honorary degree.

Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni Jack Ma na hindi ang teknolohiya ang nagbabago sa mundo kundi ang mga pangarap sa likod ng teknolohiya.

Sinabi ni din ni Jack Ma na nagpapasalamat siya sa ipinagkaloob sa kaniyang pagkilala.

Samantala, kabilang sa schedule ni Jak Ma ngayong araw ang launching ng bagong cashless option sa Globe GCash.

Partner ng Globe Telecom sa nasabing proyekto ang Ant Financial Services Group, na pag-aari ni Jack Ma.

Sa ilalim ng “scan to pay” na bagong feature ng GCash, maari nang makabili ang consumers ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pag-scan sa QR codes sa mga establisyimento gamit ang kanilang mobile phones.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Chinese billionaire tycoon, DLSU, Doctor of Science in Technopreneurship, honoris causa, Jack Ma, Chinese billionaire tycoon, DLSU, Doctor of Science in Technopreneurship, honoris causa, Jack Ma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.