WATCH: Donasyong military equipment, tinanggap ni Pangulong Duterte mula Russia
Pormal nang ibinigay ng Russia sa Pilipinas ang mga donasyon nitong military equipment.
Nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Defense Minister Sergei Shoigu ang certificate of donation sa isinagawang turn over ceremony.
Sinaksihan nina ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año ang seremonya.
Kabilang sa mga donasyon ng Russia sa Pilipinas ang 5,000 AK-74 Kalashnikov assault rifles, 20 multi-purpose vehicles, isang milyong rounds ng mga bala at 5,000 steel helmets.
Kasama din sa seremonya ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa anti-submarine ship ng Russia na Admiral Pantaleev na ngayon ay nakadaong sa Port Area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.