BREAKING: Aktres na si Isabel Granada, comatose sa ospital sa Qatar

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2017 - 07:52 AM

FB post | Lalaine Bianca Lapus

Comatose ngayon sa isang ospital sa Qatar ang aktres na si Isabel Granada.

Sa Facebook post ng aktres na si Bianca Lapus kaibigan ni Isabel, nakaranas umano ng massive internal bleeding at aneurysm si Isabel Granada at ngayon ay nasa Hamad General Hospital sa Qatar.

Bigla na lamang umanong nawalan ng malay si Isabel kaya isinugod sa pagamutan.

Post cardiac arrest umano ang inisyal na pahayag ng mga sumuri sa aktres at nananatiling walang malay.

Ayon kay Lapus, sasailalim sa major operation ang aktres na anim na beses nang nakaranas ng cardiac arrest mula nang madala sa pagamutan.

May hiwalay ding Facebook post ang aktor na si Robby Tarroza at kinumpirma din ang sitwasyon ni Isabel.

Kapwa humihingi ng panalangin sa publiko sina Bianca at Robby para sa ikabubuti ng kondisyon ng kaibigan nilang aktres.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aneurysm, cardiac arresta, comatose, Isabel Granada, Qatar, aneurysm, cardiac arresta, comatose, Isabel Granada, Qatar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.