Daan-daang kilong mishandled frozen meat nakumpiska sa Divisoria Market

Kuha ni Mark Makalalad

Aabot sa 300 kilo ng mishandled frozen meat ang kinumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa Ilaya Divisoria Market sa Maynila.

Ayon kay Dr. Alberto Burdeos, officer-in-charge ng Manila VIB, layon nang isinagawang inspeskyon na matukoy kung nagsasabit nga ba ng meat certificate ang mga nagtitinda at kung maayos na napoproseso ang mga karne sa slaughterhouse.

Sa isinagawang inspeksyon, unang napansin ang mga tindahan na hindi nakasabit ang meat inspection permit o certificate.

Naabutan din ng grupo ang siyam na kahon ng frozen meat na nakatiwangwang at wala sa chiller.

Laman ng bawat kahon ang 25 kilo ng karne.

Maliban dito, kinuha rin ang higit sa 50 kilo ng frozen meat na nakalapag lang sa mga lamesa.

Dinala ang mga nakumpiskang frozen meat sa tanggapan ng VIB at nakatakdang itapon.

Samantala, wala namang hinuli na mga nagtitinda at binalaan lang sila.

Banta ni Burdeo, sakaling na may makita ulit sila na mishandled frozen meat, kakasuhan na ang nagtitinda ng paglabag sa Meat Inspection Code.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...