1 sugatan sa aksidente sa Maynila

By Mark Gene Makalalad October 25, 2017 - 07:02 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang isang katao sa banggan ng isang AUV at isang FX sa Ocampo intersection Osmeña Highway, Vito Cruz, Manila.

Nagtamo ng minor injuries ang driver ng Uber na si Deo Escobarte sa kaliwang siko habang nahilo lamang ang pasahero nito na ihahatid lang sana sa La Loma, Quezon City.

Kwento ni Escobarte, binabagtas nya ang Osemena Highway at naka-go signal na ang traffic light nang bigla na lamang syang banggain ng FX sa likuran nito.

Sa lakas ng pagkakabangga, bumaligtad ang sasakyan na minamaneho nya at nabasag ang harapang bahagi nito.

Depensa naman ni RC Macaranas, driver ng FX, mabilis ang takbo ng AUV dahilan kaya ito bumaligtad.

 

TAGS: accident, AUV, FX, manila, osmena highway, accident, AUV, FX, manila, osmena highway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.