Bagyong nasa labas ng bansa, lumakas pa, isa nang tropical strorm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Isa na ngayong tropical storm ang bagyo na may international name na Saola.

Ang bagyong Saola ay huling namataan sa 1,405 kilometers East ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa dirkesyong Northwest.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, kung magpapatuloy ito sa kasalukuyang kilos ay papasok ito sa bansa ngayong araw hanggang bukas at tatawagin itong Quedan.

Tatahakin ng nasabing bagyo ang direksyon na gaya ng dinaanan ng bagyong Paolo.

 

 

 

 

Read more...