WATCH: Lalaking nursing student, nag-suicide matapos iwanan ng boyfriend

By Jan Escosio October 25, 2017 - 06:17 AM

Labis na dinamdam ng isang 20-anyos na lalaking estudyante ang pakikipaghiwalay sa kaniya ng kaniyang boyfriend kaya’t nagpakamatay ito sa kanilang bahay sa Pasay City.

Dakong alas 11:00 ng tanghali nang madiskubre si Jan Billy Fernandez na nakabitin sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay at may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg.

Ang kanyang 73-anyos na lola na si Rose Fernandez ang nakakita sa nakabitin na apo.

Ayon naman kay Lorna Fernandez, tiyahin ni Billy, unang nagtangkang magpakamatay ang kanyang apo noong nakaraang Setyembre 23 sa pamamagitan nang pag inom ng asido.

Nabatid na nag iwan ng kanyang suicide note si Fernandez sa kanyang Facebook account.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Depression, nursing student, Pasay City, suicide incident, Depression, nursing student, Pasay City, suicide incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.