Patay ang pinoy boxer na si Jeffrey Claro matapos ang isang sparring session ayon sa mga sports officials.
Na-comatose si Claro at binawian din agad ng buhay matapos bumagsak sa second round ng kanyang sparring match noong Biyernes ayon kay Games and Amusement Board Boxing Division Head Dioscoro Bautista.
Si Claro ay kabilang sa naging kontrobersyal na pamemeke ng 150 Filipino Boxers ng CT scan results sa kadahilanang hindi nila kaya ang presyo ng actual CT scan.
Gayunpaman, na-clear naman si Claro bago ang kanyang laban na nakaiskedyul sa Nobyembre matapos magsumite ng kanyang bagong CT Scan results noong September 7.
Ayon naman kay Games and Amusement Board Medical Chief Radentor Viernes, tunay ang CT scan results na huling isinumite ni Claro at wala silang nakitang kahit anong senyales ng injury.
Sa panibagong scan matapos ang kanyang pagkakacomatose, nakita ang isang fresh brain injury na pinaniniwalang dahil sa sparring.
Mayroon ding nakitang older brain injury na marahil ay natamo ng boksingero matapos ang kanyang September 7 CT Scan.
Ayon kay Viernes, maaaring ang dalawang injuries na ito ang naging kadahilanan ng kamatayan ng boksingero.
Iginiit naman ng mga opisyal na nakasuot ng protective headgear si Claro habang isinasagawa ang sparring session at sinabing iimbestigahan ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.