Freedom of navigation sa South China Sea, natalakay sa pulong ng mga defense chiefs

 

Isa sa mga naging tampok na usapin sa ginanap na ASEAN Defense Ministers Meeting Plus (ADMM-Plus) ay ang kontrobersyal na isyu ng freedom of navigation sa South China Sea.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, sinuportahan ng mga dumalong bansa ang deklarasyon ng freedom of navigation, pati na ng non-militarization sa South China Sea.

Wala kasing tumutol sa nasabing deklarasyon mula sa mga defense ministers ng ASEAN countries, pati na ng mga ADMM Plus member-states tulad ng Russia, US, Japan, South Korea, India, New Zealand at maging ang China.

Ani Lorenzana, majority ng mga bansa ang nag-deklara na gagamitin pa rin nila ang tubig at himpapawid sa South China Sea, tulad ng kung paano nila ito ginagami noon pa man, at wala namang tumutol.

Dahil dito, sa tingin ni Lorenzana ay OK lang din sa China ang deklarasyon, lalo’t isa naman talagang open water ang South China Sea.

Sa ngayon, sinabi rin ng kalihim na nasa kamay na ng mga bansa na panatilihing bukas ang South China Sea dahil marami ang nakikinabang dito.

Matatandaang ilang bansa ang nag-aagawan sa mga teritoryo sa South China Sea, kabilang na ang China, Pilipinas, Taiwan, Vietnam, Malaysia at Brunei.

Read more...