Sundalong nakipag-digmaan sa Marawi, patay sa pananambang pag-uwi sa Pagadian City

By Kabie Aenlle October 25, 2017 - 03:11 AM

 

Nasawi ang isang sundalong galing sa pakikipag-bakbakan sa Marawi City.

Bagaman sumabak siya sa digmaan sa mga terorista, hindi naman ito ang kaniyang ikinamatay dahil tinapos ng dalawang lalaking riding-in-tandem ang kaniyang buhay pagkauwi niya sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang sundalo na si Cpl. Rhufel Lihay-Lihay ng 1st Infantry Division.

Naglalaro lamang ng bilyar si Lihay-Lihay sa kaniyang kapitbahay sa Barangay Sta. Maria nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman agad ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang 11 piraso ng basyo ng bala ng cal. .45 na baril, at 13 naman mula sa 9mm na baril.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang posibleng motibo sa pagpatay kay Lihay-Lihay, pati na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.