Russia at Pilipinas, lumagda sa military-technical cooperation agreement

By Kabie Aenlle October 25, 2017 - 03:05 AM

 

DND photo

Mas umigting pa ang defense ties sa pagitan ng Pilipinas at Russia matapos lagdaan ng mga opisyal ang isang military-technical cooperation agreement.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, pahihintulutan ang pagsasagawa ng mga joint research, production support, at ang posibilidad ng pagpapalitan ng mga experts at pagsasanay ng mga tauhan.

Sa inilabas na pahayag ng Department of National Defense, nakasaad na nilagdaan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at kaniyang katumbas sa Russia na si General Sergey Shoygu ang kasunduan dito sa bansa.

Naganap ang pirmahan ng kasunduan sa sidelines ng regional security forum na dinaluhan ng mga magkakaalyadong bansa.

Pumunta sa bansa si Shoygu upang dumalo sa ASEAN Defense Ministers Meeting-Plus (ADMM-Plus) na dinaluhan ng mga defense ministers mula sa mga bansang hindi naman miyembro ng ASEAN tulad na lang ng Estados Unidos, Australia, South Korea, China at Japan.

Maliban dito ay pumirma din ng kontrata si Lorenzana kay Alexander Mikheev na director-general ng Rosoboronexport.

Ang nasabing kontrata naman ay para pahintulutan ang Pilipinas na makabili ng mga gamit pandigma sa nasabing ahensya na pag-aari ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.