Ayon sa Ukranian foreign ministry, inatake ng mga hinihinalang pirata ang Liberian-flagged container ship habang ito ay naglalayag may 50 nautical miles sa timog-kanluran ng Bonny, Nigeria.
Anim sa mga crew kabilang na ang apat na Pilipinong tripulante ang sapilitang pinababa ng barko at ngayo’y hawak ng mga armadong suspek.
Sa kasalukuyan, wala pang ransom demand ang mga kidnappers para sa pagpapalaya sa mga hostage.
Bukod sa apat na hindi pa pinapangalanang Pinoy, kabilang din sa binihag ng mga ito ang isang Hungarian at Ukraine national.
MOST READ
LATEST STORIES