P2.3-M, inilabas ng ECC para sa mga sundalong sumabak sa Marawi

By Kabie Aenlle October 25, 2017 - 01:30 AM

 

Naglabas na ang Employees’ Compensation Commission (ECC) ng P2.3 milyon bilang tulogn sa mga sundalo na nasugatan o nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi City.

Ayon sa ECC, kabuuang P2,392,479.62 ang kanilang na-disburse na benepisyo mula sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga sundalo.

Ayon kay ECC executive director Stella Zipagan-Banawis, ang nasabing halaga ay kapareho sa tulong na naibigay sa mga sundalo hanggang September 2017.

Sa nasabing P2.3 milyon, nasa mahigit P1.7 milyon ang inilaan ng ECC para sa disability benefits, habang ang P640,000 naman ay para sa death benefits.

Una nang naglabas ang ECC ng board resolution para sa pagproseso ng mga compensation benefits ng mga pulis at sundalo na nasugatan o nasawi sa pakikipaglaban.

Matatandaang opisyal nang idineklara ng militar na tapos na ang bakbakan sa Marawi City noong Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.