WATCH: Security guard ng IBON Foundation, nagpatiwakal
Dead-on-the spot ang isang security guard matapos itong magbaril sa sarili sa mismong gusaling pinagtatrabahuhan nito sa Timog Avenue sa Lungsod Quezon.
Kinilala ang biktima na si Mark Joseph Pia, dalawamput tatlong taong gulang na residente ng San Joaquin, Pasig City at nagtatrabaho bilang security guard ng IBON Foundation.
Nakuhanan ng CCTV camera ang pagbabaril ni Pia sa sarili gamit ang isang 9mm service firearm.
Ayon sa mga otoridad, isang tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod nito ang tumapos sa buhay ni Pia.
Dinala na ang mga labi ng biktima sa punerarya at naipagbigay alam na rin ang tungkol sa pagkamatay nito sa kanyang sarili.
Samantala, hindi pa alam kung ano ang sanhi ng pagpapatiwakal ni Pia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.