Sakit sa puso, hindi hazing ang ikinamatay ni Atio Castillo-Solano

By Kabie Aenlle October 25, 2017 - 12:36 AM

 

Iginiit ng isa sa mga primary suspects sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III na si John Paul Solano, na hindi hazing ang ikinasawi ng law student kundi sakit sa puso na dati na nitong nararamdaman.

Ayon kay Solano, cardiac arrest ang ikinamatay ni Castillo dahil sa iniinda nitong hypertrophic cardiomyopathy (HCM).

Sa kaniyang counter-affidavit na isinumite sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Solano na malinaw namang nakasaad sa medico legal report na mayroong HCM si Castillo.

Base aniya sa kaniyang pag-aaral bilang isang linsensyadong medical technologist, hindi magreresulta ng HCM ang hazing o anumang pisikal na aktibidad.

Paliwanag niya, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng cardiac failure ang mga pasyenteng may HCM.

Kaya giit niya, kung cardiac arrest ang ikinamatay ni Castillo, hindi hazing ang dahilan nito kundi ang HCM.

Binanggit rin dito ni Solano ang report ni Chief Insp. Mesalyn Milagros Probador na medico-legal officer ng Manila Police District.

Nakasaad kasi dito na ang puso ni Castillo ay “grossly enlarged” at may bigat na 450 grams, o 50 percent na mas malaki sa normal na bigat ng puso ng tao na nasa 300 grams lamang.

Sumasang-ayon aniya ito sa findings na mayroong HCM si Castillo.

Ang HCM ay isang genetic condition kung saan nangangapal ang muscular wall ng puso dahilan para manigas ang heart muscle.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.