Bilang ng sasakyang lumalabag sa batas trapiko, nasa 300 na – PNP-HPG
Nasa 300 na ang naitalang mga sasakyan na nahuling lumalabag sa batas trapiko.
Ito ang naiulat ng PNP HPG traffic enforcers, mula nang mangasiwa sila sa pagmamando ng trapiko sa EDSA noong Setyembre 7 hanggang Setyembre 11.
Mula sa anim na chokepoints ng EDSA, halos 150 HPG enforcers ang inilatag upang makatulong sa pag aasikaso ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
Iniutos naman kamaikailan ni Pangulong Benigno Aquino IIK na ayusin ang mga daanan patungong EDSA patungo sa mga anim na choke points kabilang na ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at Taft Avenue, na nagiging sanhi rin ng malaking problema ng trapiko sa EDSA.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagbabara ang daloy ng trapiko sa EDSA ay ang dami ng mga sasakyang dumaraan dito, pribado man o pampasahero, kawalan ng disiplina ng mga motorista, at ang mga aksidente nagaganap sa mga lugar.
Kasalukuyan namang nagsasanay ang 20 Special Action Force (SAF) na idaragdag sa PNP-HPG personnel upang makatulong sa pangangasiwa ng trapiko ss EDSA.
Hinati naman sa dalawang shift ang mga tauhan ng PNP-HPG nagmamando sa EDSA, mula alas- 5 ng umaga hanggang alas -2 ng hapon ang unang batch, at mula alas-2 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi naman ang huling batch.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.