Mga Senador, may pasok sa panahon ng ASEAN summit

 

Tuloy ang trabaho ng mga senador sa kabila ng deklarasyon ng holiday sa Nobyembre 13 hanggang 15.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, nagkasundo ang mga senador na magsagawa ng sesyon sa mga idineklarang holiday mula November 13 hanggang 15 dahil sa pagdadaos ng ASEAN summit habang kanselado ang mga pasok sa mga eskwela hanggang a-17 ng Nobyembre.

Paliwanag ni Pimentel, marami silang kinakailangan na talakayin partikular sa mga usapin ng transportasyon at maging ang mga security concerns sa panahon ng nabanggit na mga holiday.

Kung ang Kamara umano ay nakaholiday sa mga nabanggit na araw, giit ni Pimentel, naka calendar naman sa Senado ang resumption ng kanilang sesyon matapos ang dalawang linggong recess dahil sa Undas.

Read more...