Dating Comelec Chairman Bautista kakasuhan ng plunder

Matapos magbitiw kahapon bilang Comelec Chairman si Atty. Andres Bautista, pinaghahandaan na ng kampo ng kanyang dating asawa ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Patricia Bautista, nakaligtas man sa impeachment trial ang dating poll chief hindi naman ito makalulusot sa kasong plunder.

Sinabi ni Kapunan na hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigastion upang isampa ang kaso laban kay Bautista.

Naniniwala si Kapunan na maipakukulong nila si Bautista dahil sa nasa halos P1.2 Billion ang kanilang natuklasang tagong yaman nito.

Vindication naman para kay Patricia Bautista ang nangyari sa kanyang dating asawa ayon pa kay Kapunan.

Read more...