UST law dean no show sa preliminary investigation sa Atio Castillo case
Nagsumite na ng kanilang sworn affidavits sa DOJ panel of prosecutors ang mga respondent sa kasong isinampa ng pamilya ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Kabilang sa mga nagsumite ng counter affidavits ang ilan sa 18 mga suspek sa orihinal na complaint pati ang19 na nadagdag sa supplemental complaint affidavit.
Base sa attendance, umaabot sa 15 mula sa 37 respondents sa kaso ang nakadalo sa preliminary investigation kaninang hapon pero yung mga hindi nakapunta ay nagpadala ng kani-kanilang mga abogado.
Kabilang sa mga nagsumite ng kanilang sinumpaang salaysay ay sina John Paul Solano, Axel Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali, Jason Rubinos, Ralph Trangia, Jose Miguel at iba pa.
Hindi nagpakita sa ginawang preliminary investigation si UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina pero nagpadala ito ng abogado para kumatawan sa kanya.
Ang mga suspek ay ipinagharap ng pamilya Castillo ng mga kasong, murder, robbery, perjury, obstruction of justice at paglabag sa anti-hazing law.
Binigyan ng panel of prosecutors ang mga respondent ng hanggang October 30 para magsumite ng kanilang counter affidavits ang mga nabigong magsumite kanina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.