“Tsismis lang yan…hindi ako interesado sa posisyon”.
Yan ang tugon ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo sa ilang mga balita na siya ang susunod na mamumuno sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Panelo na dapat nang itigil ang nasabing tsismis lalo’t nakapagtalaga na ng magiging officer-in-charge sa Comelec sa katauhan ni Commissioner Christian Lim.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na nakatanggap ng unanimous votes sa hanay ng mga Comelec Commissioners si Lim sa ginanap na en banc session.
Napaaga ang pagbaba sa pwesto ni dating Comelec Chairman Andres Bautista makaraang sabihin ng pangulo na “effective immediately” ang isinumiteng resignation ng dating poll chief.
Taliwas ito sa laman ng resignation letter ni Bautista bago siya na-impeached ng Kamara na nagsabing bababa siya sa posisyon sa katapusan ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.