NLEX at Cavitex magpapatupad ng dagdag singil sa toll

Inquirer file photo

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang dagdag singil sa North Luzon Expressway o NLEX.

Sinabi ni Transportation Asec. Bert Suansing na simula sa Novermber 6 ay maniningil ang NLEX ng dagdag na P0.25 bawat kilometro para sa bahagi ng expressway simula Marilao, Bulacan hanggang sa Mabalacat, Pampanga Northbound.

Inaprubahan na rin ng TRB ang provisional toll increase na P0.67 per kilometer mula sa bayan ng Sto. Tomas hanggang sa Batangas City at ito ay magsisimula rin sa November 6.

Pansamantala namang itinigil muna ang lahat ng road works sa NLEX, Cavitex at SCTEX simula October 27 hanggang November 2 para sa panahon ng Undas at paghahanda sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation Summit.

Simula naman sa susunod na linggo, sinabi ng pamunuan ng Department of Transportation na magdaragdag na sila ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan papasok sa mga lalawigan dahil pagdagsa ng mga uuwi sa mga probinsya kaugnay sa araw ng mga patay.

Read more...