Pagtawag na bully sa Inter-Parliamentary Union, paandar lang ni Andanar ayon kay Sen. De Lima

Inquirer File Photo

Maituturing umano na isa na namang paandar ni Presidential Communications Office (PC) Secretary Martin Andanar ang pagtawag nito na bully sa Inter-Parliamentary Union o IPU.

Kaugnay ito sa pagpapadala ng IPU ng kinatawan sa Pilipinas para i-monitor ang kaso ng senadora.

Ayon kay De Lima, ano ba naman ang aasahan kay “Andanar at sa amo” niya pagdating sa mga usapin ng “human rights” at “rule of law”.

Paggigiit ni Del Lima, ang pahayag ni Andanar ay nagpapakita na ito ay arogante at ignorante dahil hindi nito alam na ang pagkakaroon ng trial observer ay bahagi ng democratic at judicial processes.

Paliwanag ni De Lima, hindi pambubully ang pakay ng IPU sa Pilipinas kundi para gumanap bilang neutral third party.

Layunin umano ng IPU na matiyak na ang legal proceedings kaugnay sa mga kinakaharap niyang kaso ay hindi maaapektuhan ng pambabraso ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kakampi.

 

 

 

 

 

 

Read more...