WATCH: Apat na bahay, nasunog sa Brgy. Salvacion, Quezon City
Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula sa isang paupahang unit sa panulukan ng Don Manuel at Dr. Alejos sa Barangay Salvacion sa lungsod Quezon.
Pag-aari ni Ariel Dayao ang apartment ngunit sa unit ni Freddie Dayao nagsimula ang apoy.
Alas 12:50 nang itawag sa mga otoridad ang tungkol sa sunog na umakyat sa third alarm bandang alas 12:52 ng madaling araw.
Ala 1:38 nang ideklara na fire out na ang sunog.
Ayon kay Senior Fire Inspector Froilan Guzman, mabilis na kumalat ang apoy dahil luma na at pawang gawa sa light materials ang apat na mga natupok na bahay.
Tinatayang nasa P100,000 ang danyos sa naturang sunog, kung saan walong pamilya ang pansamantalang mamamalagi sa barangay hall.
Wala namang naitalang sugatan o namatay sa sunog.
Samantala, ayon sa mga residente, gumagamit ng iligal na droga si Freddie Dayao at bago maganap ang sunog ay tila aligaga at nanghihiram ito ng pera.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naganap na sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.