WATCH: Dalawa arestado matapos mahulihan ng P500,000 halaga ng shabu sa Caloocan

By Justinne Punsalang October 24, 2017 - 08:13 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A (CALABARZON).

Kinilala ang mga suspek na sina Eufenio Odac Jr., 22-taong gulang at residente ng Parañaque City at Alex Ogena, 28-taong gulang at residente naman ng Pasay City.

Nasabat mula sa dalawa ang isang bulto ng shabu na nakasilid sa isang kahon ng sabon na tinatayang nasa isang daang gramo at may street value na P500,000.

Hindi na itinanggi ng dalawa ang pagbebenta ng shabu.

Itinuturo ni Ogena ang isang Michael Mendoza na kanya umanong supplier.

Hinala naman ni PDEA operative Mendoza, posibleng nagbukas na ulit ang mga shabu laboratory sa Metro Manila.

Magsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang PDEA-CALABARZON at punong himpilan ng PDEA para matunton ang mga source ng ipinagbabawal na gamot ng dalawang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 man arrested for selling shabu, PDEA, PDEA-CALABARZON, 2 man arrested for selling shabu, PDEA, PDEA-CALABARZON

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.